Pork Adobo with Fresh Pineapple by Mga Luto Ni Dennis


Last Tuesday May 18, 2010, habang ako ay naghahanda sa pagpasok sa opisina, napansin ko ang Adobo Challenge sa programang Umagang kay Ganda sa channel 2.

Sa pa-contest ng umagang yun, inanyayahana ang sinuman na magdala ng anumang luto ng adobo. May judge na titikim ng mga entry at kung sino marahil ang pinakamasarap ay siyang mananalo.

Habang pinapakita ang ibat-ibang entry sa programang yun, nakatawag ng pansin sa akin ang isang entry na may kasamang fresh na pineapple ang kanyang adobo. Kaya naman kinagabihan ng araw na iyun, iyun ang niluto ko for dinner.

Hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng masarap nang adobo. Ang pagkakaiba kasi niya, humahalo yung tamis at asim ng pinya sa alat at asim naman ng adobo. Try nyo ito para maiba naman ang adobo nyo.


PORK ADOBO with FRESH PINEAPPLE

Mga Sangkap:
500 grams Pork kasim cut into cubes (adobo cut)
3 cups Fresh Pineapple cut the same size as the pork
1 head minced garlic
½ cup vinegar
½ cup Soy sauce
1 tsp. Maggie magic sarap
1 tbsp. Brown sugar
1 tsp. ground black pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay ang karne ng baboy at timplahan ng paminta, toyo at suka. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung tuyo na ang sauce at matigas pa ang karne.
3. Ilagay ang fresh pineapple, brown sugar, ½ ng nilutong bawang at Maggie magic sarap. Halu-haluin
4. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng natira pang piniritong bawang sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Pinoy food Recipe from: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/05/pork-adobo-with-fresh-pineapple.html

Comments

Popular posts from this blog

Let's Do The 28 Day Keto Diet Now

Homemade Tocino Recipe For Every Juan

Arroz Valenciana Filipino Way Recipe and Video Cooking Tutorial